SWMO- Naga tiniyak ang maayos na disposal ng mapanganib na medical waste

NAGA CITY – Mapanganib sa kalusugan ng bawat isa ang mga gamit ng mga Personal Protective Equipment tulad ng mga gloves, facemask, face shield, gowns at respirator kung basta na lang ito maitatapon sa kung saan-saan.

Posibleng may nakadikit ditong virus na puwedeng magdulot ng sakit tulad ng COVID-19, kaya kailangan na maitapon at mailagay ito sa tamang lugar.

Ganito ang babalang muling binitiwan ni Solid Waste Management Office Chief Engr. Joel Martin nang makausap ng Brigada News FM Naga, hinggil sa kung papano ang pag trato nila sa mga medical waste na galing sa mga isolation at quarantine facilities na alam nilang contaminated na ng virus.

Sinabi pa ni Martin na may hiwalay namang chamber para sa mga PPEs na na nadi- dispose ng maayos batay sa makabagong sistema.

Binigyang diin pa ng SWMO Chief na alam na ng kanyang mga street cleaners ang tamang proseso sa mga basurang ito lalo na iyong pakalat-kalat lamang sa kalsada na marami pa rin hanggang ngayon dito sa Naga City.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *