SWS: 43% ng pamilyang Pilipino, nagsabing sila ay mahirap noong Dec 2021

Aabot sa 43% ng pamilyang Pilipino ang ikinokonsidera ang kanilang mga sarili bilang mahirap noong December 2021, batay sa resulta ng Social Weather Stations (SWS) survey.

Ang naturang bilang ay kumakatawan sa tinatayang 10.7 million families, na bahagyang mababa sa 11.4 million, o 45% na naitala noong September ng nakaraang taon.

Sinabi rin ng SWS, na sa parehong survey, nasa 39% ng mga pamilya ang ikinokonsidera ang kanilang sarili na nasa “borderline poor,” habang 19% ang nagsabing hindi sila mahirap.

Paliwanag ng polling body, na ang 2-point decline sa self-rated poor sa fourth quarter ng 2021 ay dahil sa decreases sa Mindanao at Metro Manila, na kombinasyon ng bahagyang mababa sa Visayas at Balance Luzon.

Binigyang diin rin dito na kumpara noong September 2021, ang percentage ng mga pamilya na nagsabing sila ay mahirap ay bumaba sa Mindanao mula sa 58% sa 43%, at sa Metro Manila mula sa 34% sa 25%, pero bahagyang tumaas sa Visayas mula 54% sa 59%, at sa Balance Luzon mula 38% sa 41%. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *