SYAM NA MGA BARANGAY SA MAGUINDANAO, DRUG CLEARED NA

COTABATO CITY – CLEARED na sa illegal na droga ang syam na mga barangay mula sa pitong munisipyo sa lalawigan ng Maguindanao.

Ito ay kasunod ng isinagawang BARMM Regional Oversight Committee On Barangay Drug Clearing deliberation kahapon sa pangunguna ni RBDOC Chairman at PDEA BARMM Regional Director Juvenal Azurin.

Sa press release ng PDEA ang pitong munisipyo kung saan nagmula ang syam na mga barangay na cleared na ay ang mga sumusunod; South Upi, Parang, Sultan Sa Barongis, Radjah Buayan, Mamasapano, General Salipada K Pendatun at Sultan Mastura.

Ang lahat ng mga barangay applicant ay nagpresinta ng kanilang mga anti-drugs program sa kanilang mga lugar at isa-isang sinagot ang mga tanong ng bawat myembro ng oversight committee kung saan siyam lang sa sampung nag-apply ang nabigyan ng certification bilang drug cleared. Patuloy naman ang paghikayat ng PDEA-BARMM sa ilan pang mga barangay sa rehiyon na gawin ang lahat upang malinis ang mga ito sa illegal na droga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *