Symposium on substance abuse, prevention and control, patuloy na isinasagawa sa mga paaralang Sekundarya sa Naga City

NAGA CITY – Aminado ang Naga City Dangerous Drugs Board na “suntok sa buwan” ang ginagawa nilang patuloy na paghadlang sa illegal drugs na sana iwasan ng mga kabataan at ng mga estudyante, dahil sa ang bentahan nito ay na sa paligid lamang, sa mga barangay o kaya sa mga kakilalang drug pusher.

Sa sistemang ito, may mga hakbang na patuloy ipinatutupad ng NCDDB kabilang na rito ay ang pakikipag-usap sa mga estudyante sa pamamagitaan ng pagtitipon o symposium na kung saan ipinapaliwanag ang masamang epekto ng droga sa katawan at kaisipan.

Ayon kay Toti Importante, head ng NCDDB, katuwang nila sa pagpapaliwanag sa mga estudyante ay ang ilkang personahe ng Naga City Police Office,P hil Drug Enforcement Agency, barangay official at minsan dating drug dependent.

Sa pahayag niya sa Brigada News FM Naga, sinabi niyang mahirap ang paglaban sa illegal drugs kaya dapat palakasin pa nila ang mga hakbang at programa laban dito para mailigtas ang buhay at kinabukasan ng mga estudyante. 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *