Synergy Building Activity, isinagawa sa Caramoan, Camarines Sur; 18 LGU binisita ng DILG Bicol

NAGA CITY— Bilang paghahanda sa susunod na pagtataya kaugnay ng 2024 Seal of Good Local Governance at pagtitiyak ng mga programa para sa progresibong komunidad, isinagawa nitong nakalipas na linggo sa bayan ng Caramoan, sa Partido Area, ang Synergy Building Activity for Local Government Unit (LGU)  ng Department of Interior and Local Government (DILG).

Dinaluhan ito ng mga lokal na opisyal at Department  Heads, kung saan tinalakay ang resulta ng  Seal of Good Local Governance (SGLG), Child-Friendly Local Governance Audit (CFLGA), Peace and Order Council (POC) Audit, Anti-Drug Abuse Council (ADAC) Audit, at Local Legislative Awards (LLA) para sa taong 2023. Sa paraang ito, mas mapauunlad pa ng mga lokal na pamahalaan ang pagtataguyod ng tama at maayos pagsasakatuparan ng kanilang mga programa at proyekto.

Isa ang naturang bayan sa labing walong lokal na pamahalaan sa buong Camarines Sur na personal na binisita ni DILG Camarines Sur Provincial Director Julius Rodel Cal-Ortiz kasama ang  Cluster 1 Operations Office nito para sa nasabing aktibidad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *