Synodality sentro ng Christmas message ni Bishop Alarcon ng Diocese of Daet

CAMARINES NORTE – Hinimok ni Bishop Rex Andrew Alarcon ng Diocese of Daet ang lahat na hindi lamang sana para sa sarili nakatuon ang pagdiriwang ng pasko kundi para sa kapwa.

Sa kaniyang Christmas message binigyang diin ng Obispo ang diwa ng “synodality” o sama- samang paglalakbay bilang isang pamilya, isang bayan at pamayanan at ang pagtingin sa pangangailangan ng kapwa lalo’t higit sa mga nangangailangan.

Aniya, si Jesus ay nakipamuhay sa atin at pinasan ang ating mga pasanin at ganitong pag- ibig rin aniya ang inaasahan sa bawat isa.

Ngayong panahon ng kapaskuhan, isang paanyaya ang iniwan ng Obispo na sama- sama, at magkaisa sa gitna ng napakaraming pagsubok sa buhay.

Kahit daw mahirap at punong- puno ng pagsubok ang buhay, hindi naman aniya nagpapabaya ang Diyos.

Batay sa liturgical calendar ng simbahan, nagsimula ang Christmas season noong Christmas eve at magtatapos sa Kapistahan ng pagbibinyag kay Jesus na pumatak ng January 8, 2024.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *