International

Syrup at liquid medicine para sa ubo ban muna sa Indonesia matapos masawi ang 100 mga bata

Ipinagbawal na ng Indonesia ang pagbebenta ng lahat ng syrup at liquid medicine para sa ubo kasunod ng pagkamatay ng halos 100 mga bata at ang hindi maipaliwanag na pagtaas ng kaso ng acute kidney injuries.

Ayon sa Health Ministry ng Indonesia, ang pagbabawal sa pagbebenta ng cough syrup ay mananatili hanggang hindi natatapos ang imbestigasyon sa unregistered medical syrups na pinaniniwalaang mayroong toxic ingredients.

Sinabi ni Health Ministry Spokesman Mohammad Syahril na nagpapatuloy ngayon ang imbestigasyon nila sa pagkamatay ng 99 na mga bata at 206 na kaso ng acute kidney injuries sa mga batang nasa edad 6 pababa.

Una nito ay inihayag ng World Health Organization na pinaghihinalaan nilang mayroong hindi naaaayon na chemical content ang mga cough syrup na gawa ng Maiden Pharmaceuticals Limited, Promethazine oral solution, Kofexmalin baby cough syrup, Makoff baby cough syrup at Magrip N cold syrum.

Maaari umanong makapinsala sa utak, baga, atay at kidney ang mga makakainom ng hindi pa matukoy na kemikal.

BNFM Makati

Recent Posts

DepEd – kinundena ang pagpatay sa isang 14-anyos na estudyante sa Talisay City, Cebu

Nagpahayag ng pakikiramay ang Department of Education (DepEd) sa mga naiwang pamilya at kaibigan ng…

1 day ago

Air Assault Exercise ng PH at US, isinagawa sa Balabac, Palawan

Nagsagawa ng air assault exercise ang Philippine Marines at United States Marine Corps sa Balabac…

1 day ago

Pilipinas – magi-import ng 25KMT ng isda

Inotorisa na ng Department of Agriculture (DA) ang pag-import ng bansa sa 25,000 metric tons…

1 day ago

Ginagawang bahay sa Makati, gumuho; 1 patay, 2 sugatan

Isa ang patay habang dalawa ang sugatan matapos mabagsakan ng pader sa ginagawang bahay sa…

1 day ago

Lolo, patay matapos mabangga nang sagipin ang apo sa Batangas

Isang lolo ang nasawi sa Lipa, Batangas matapos mabangga ng motorsiklo habang sinasagip ang kaniyang…

1 day ago

PISTON – muling magkakasa ng tatlong araw na tigil-pasada simula sa April 29

Magkaksang muli ng tigil-pasada ang transport group na PISTON. Sa pulong balitaan - inanunsyo ni…

1 day ago