Systema ng BI, tinangka umanong i-hack

Hindi naging matagumpay ang cyberattack nang subukan ng mga hacker na i-hack din ang systema ng Bureau of Immigration.

Ayon kay Immigration Commissioner Norman Tansingco, may mga attempts na nangyari pero hindi naging successful.

Tinanong din ni Tansingco ang IT Department kung kaya ng BI ang mga ganitong pag-atake at sinabing hindi sila mapapasok.

Gayunpaman, kalaunan ay nilinaw niya na posible pa rin ngunit maraming kailangan daanan dahil aktibo ang mga anti-virus at firewalls.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *