Taas-singil sa mga konsyumer ng MERALCO, kasado ngayong Marso

Kung may rollback sa oil prices – taas-singil naman ang asahan sa mga konsyumer ng MERALCO.

Hindi kasi natuloy ang unang anunsyo ng MERALCO na inaasahang bawas-singil para sa buwan ng Marso.

Imbis kasi na mabawasan sana ang March billing – madadagdagan pa ito ng bahagya.

Sa abiso, resulta ito ng pagtaas sa transmission charge ng NGCP.

Dahil diyan, mayroong itataas na P0.02 per kilowatt hour na magre-reflect sa katapusan.

Ibig-sabihin, kung ang inyong tahanan ay kumokonsumo ng 200kwh – madaragdagan ang inyong bill ng P4.

Sa mga kumonsumo naman ng 300kwh, may idaragdag na P6; at P8 naman na dagdag sa mga kumonsumo ng 400kwh.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *