Tabon Cave Complex at Lipuun Point, muling bubuksan

Magbubukas muli ang kilalang Tabon Cave Complex at Lipuun Point ay para sa publiko ngayong darating na Huwebes, ika-1 ng Pebrero, 2024, ayon sa pahayag ng National Museum of the Philippines.

Ang mga naturang tourist spots ay pansamantalang ipinasara noong 2021 upang maisagawa ang mga pagsasaayos at renobasyon.

Layunin ng mga pagbabagong ito na mapaganda pa ang mga lugar at magpatayo ng isang pormal na opisina ng National Museum sa lugar na ito.

Inaasahan na dadaluhan ang soft opening ng mga ito ng ilang mga VIP, mga estudyante at mga bagong empleyado ng tanggapan para sa pormal na pagbubukas nito.

Samantala, bukas para sa publiko ang Tourism Information Office and Assistance Center na matatagpuan sa Población area ng bayan para sa mga interesadong tumungo sa mga nabanggit na tourist spots.

Ang muling pagbubukas ng Tabon Cave Complex at Lipuun Point ay isang malaking hakbang para sa turismo ng Quezon, Palawan at maging ng buong bansa.

Courtesy: Karl Lester Sauza Zubiaga

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *