Taga-suporta ng NPA, sumuko sa pamahalaan

Nagbalik loob sa gobyerno ang isang taga-suporta ng komunistang grupo sa Alcala, Cagayan kahapon.

Kinilala ang sumuko na si Alyas Marie,49-anyos, miyembro ng Anak Pawis Partylist (Kagimungan) at residente ng Barangay Calantac.

Base sa kaniyang salaysay, nakumbinsi siyang sumuporta sa adhikain ng pangkat noong taong 2018 at nahikayat siya ng barangay secretary ng grupo hanggang sa ipinakilala kay Isabelo Adviento na mas kilala bilang Ka Buting.

Lumahok siya sa mga isinagawang kilos protesta sa harapan ng  Provincial Capitol upang iparating ang kanilang mga hinaing laban sa gobyerno at naging aktibo ito sa loob ng kilusan hanggang  taong 2021.

Nangako ito sa kaniyang pagsuko na susuportahan nito ang mga programa ng gobyerno kabilang na ang mga programa sa ilalim ng  EO 70  o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *