Tagalinis ng dental clinic sa Turkey, nagpanggap na dentista at nakapagbunot pa ng apat na ngipin sa isang pasyente

Isang pasyente kamakailan ang tila nakaranas ng isang bangungot dahil sa hindi inaasahang pangyayari nang minsan siyang tumawag ng emergency appointment sa isang dental clinic dahil sa pananakit ng kaniyang ngipin.

Sinong mag-aakala na imbis na guminhawa ang iyong pakiramdam ay tila nabaliktad ang mga kaganapan.

Isang taong nagngangalang Cemal Senaslan kasi ang nagpakilala bilang dentista kay Hakan Yildirim nang tumawag siya sa isang dental clinic sa Kathane district sa Turkey.

Gabi umano ang ibinigay na iskedyul ng naturang dentist at pagdating niya rito ay talagang maganda ang pakikitungo at pagsalubong sa kaniya.

Nagpakilala pa umano ito bilang lecturer sa dentistry department ng isang university kung kaya’t mas lalo siyang naging kampante.

Nang matapos nang suriin ang kaniyang ngipin, kailangan na umano bunutin ang kaniyang mga ngipin dahil hindi lamang isa, dalawa o tatlo kundi kabuohang apat na ngipin ang kailangang bunutin.

Nagtaka si Haka dahil sa ang alam niya ay hindi na kailangan bunutin pa ang bulok na ngipin ngunit, tila hindi nagpatinag ang nagpakilalang dentista at isinakatuparan ang pagbunot.

Makalipas ang isang araw ay tila namaga ang buong mukha ni Hakan at bumalik siya sa dental clinic ngunit, ibang doktor ang kaniyang naabutan at sinabing ang unang nagpakilalang dentista ay tagapaglinis lamang nila tuwing gabi.

Sa ngayon, sinintensyahan na  ng pagkabilanggo ang pekeng dentista at napag-alaman na isang buwan ang itinagal bago gumaling si Hakan.###WENCY LISAY

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *