Tagle, nakakuha ng panibagong pusisyon sa Vatican

Inanunsyo ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines na itinalaga ni Pope Francis si dating Manila archbishop Luis Antonio Cardinal Tagle sa isang bagong pusisyon sa Vatican.

Sa artikulo ng CBCP ay sinabi nito na pinangalanan ng Santo Papa si Tagle bilang bagong miyembro ng Congregation for the Eastern Churches na sumusuporta sa Eastern Catholic churches sa buong mundo.

Sinabi ng CBCP na hindi na nakakagulat ang bagong appointment ni Tagle, na nagsisilbi bilang prefect ng Congregation for the Envagelization of Peoples or Propaganda Fide, na nagbabanta sa malawak na “mission territories” ng simbahan.

Ipinunto naman ng CBCP na sa pamamagitan ng bagong pusisyon ni Tagle ay makakatrabaho nito si Cardinal Leonardo Sandri, na naging prefect ng Congragtion for Eastern Churches mula pa noong 2014.

Mababatid na itinatag ni Pope Pius IX noong 1862 ang dating Congregation for Oriental Churches bilang bahagi ng Propaganda Fide.

Noong 1917 naman ay idineklara ni Pope Benedict ang congregation bilang independent habang sa parehong panahon ay napalitan ang pangalan nito bilang Congregation for Eastern Churches.

Matatandaan na nasa Vatican na si Tagle mula pa noong February 2020 nang pormal siyang maupo sa kanyang bwesto bilang head of Congregation for the Evangelization of Peoples.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *