Tagong armas ng mga NPA nadiskubre sa bundok ng Army

Nasa apat ng high powered firearms at mga spare parts na pinaniniwalaang itnago ng rebeldeng grupong New People’s Army (NPA) ang natagpuan ng mga sundalo mula sa 22nd IB, PA sa bulubunduking lugar sa Brgy Maalo, Juban, Sorsogon.

Kinabibilangan ito ng apat na M16 Armalite Rifle at mga spare parts nito.

Sa ulat mula sa 9th ID posibleng itinago muna ng mga rebelde ang mga armas at gagamitin sa masamang plano ng mga ito.

Ilang residente umano ang nagsumbong sa mga sundalo hinggil sa nakatagong arams kung kaya’t agad na nirespondehan ito ng mga sundalo mula sa nasabing batalyon at matagumpay nga nilang natagpuan ang mga baril.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *