Tagtuyot mararamdaman pa sa mas maraming probinsya sa bansa-PAG-ASA

Ramdam na ng ilang probinsya ang epekto ng El Niño at mukhang patuloy pang iindahin lalo’t mas marami pa umano ang tatamaan ng tagtuyot sa mga susunod na buwan.

Inirereklamo na ng mga magsasaka partikular na sa Nueva Ejica ang bitak bitak na sakahan at kulang na suplay ng tubig sa mga irrigation.

Sinabi ng PAG-ASA dahil sa strong El Niño na mararanasan ngayong taon parami ng parami ang probinsiya na tinukoy ang posibleng makaranas ng Tagtuyot hanggang sa inaasahan paghina ng El Nino sa Mayo.

Pinangangambahan naman ng grupong Sinag ang pagbagsak ng rice production lalo na’t ang karamihang suplay ng bigas ay nagmumula sa northern Luzon kung saan isa sa mga apektado ng El Niño.

Pero pinaninindigan ng Department of Agriculture na sapat ang suplay ng bigas sa Pilipinas kaya hindi baba ang rice production.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *