Taguig LGU, kinandado ang Makati Park and Garden

Pansamantalang ipinasara ng Taguig City ang Makati Park and Garden dahil wala umano itong permit.

Umalma ang Makati LGU sa aksyon ng Taguig lalo na’t may naiwan na mga empleyado sa loob ng ipinasarang parke.

Batay sa abiso ng Taguig, ang pagsara ay alinsunod sa Local Government Code na nagbibigay awtoridad sa lokal na pamahalaan na i-regulate ang anumang negosyo, kalakal o aktibidad sa pamamagitan ng pag-isyu ng mayor’s permit.

Nanindigan ang Taguig na noon pa man ay ipinasara na sa publiko ang parke at ngayo’y ginagamit na lamang bilang garahe ng heavy equipment o tambakan.

Giit ng Taguig, sakop din kasi ito ng kanilang hurisdiksyon sa ilalim ng West Rembo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *