Taiwan, lumagda sa local deals para sa 20-million COVID-19 shots

Lumagda ang gobyerno ng Taiwan sa mga kasunduan kasama ang dalawang lokal na kompanya para sa 20-million doses ng COVID-19 vaccines.

Ayon sa Central News Agency, pumirma ang Taiwan ng mga kasunduan kasama ang Medigen Vaccine Biologics Corp at United Biomedical Inc. kung saan ay magsusupply ang bawat isang kompanya ng 5-million doses ng bakuna.

Meron na rin oral agreements ang Taiwan sa parehong mga kompanya para sa karagdagang 5-million doses ng bakuna bawat isa.

Sa kabila nito ay wala pang formal approval ang shots ng dalawang kompanya sapagkat dumadaan pa ang mga ito sa testing.

Samantala, inihayag naman ni Health Minister Chen Shih-chung na hindi pa sumusuko ang Taiwan sa pagkuha ng COVID-19 vaccines mula sa BioNTech ng Germany.

Mababatid na meron kontrata ang Shanghai Fosun Pharmaceutical Group Co kasama ang BioNTech para sa pagbebenta ng mga bakuna sa Greater China, kabilang na sa Taiwan.

Gayunman, sinabi ng gobyerno ng Taiwan na makikipagkasundo lamang ito ng direkta sa BioNTech dahil wala itong tiwala sa mga bakuna na manggagaling sa China.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *