Taiwan, naghahanap ng mga mangagawang Pilipino

Naghahanap ang bansang Taiwan ng libo-libong manggagawang Pilipino partikular na sa sektor ng service and hospitality at maging ang mga English teacher.

Ayon kay Manila Economic and Cultural Office (MECO), minister Atty. Cesar L. Chavez, Jr., nais ng Taipei na kumuha pa ng mas maraming Filipino workers dahil sa galing at dedikasyon ng mga ito sa trabaho.

Dagdag pa ni Chavez, kukuha ang Taipei ng humigit-kumulang na 8,000 Filipino domestic workers.

Aniya, mas papalawakin pa ito sa susunod na buwan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *