Talaan ng mga senior citizens sa Naga City na magiging benepisyaryo ng naamyendahang centenarians act aayusin muna para matukoy kung sinu-sino makakatanggap ng ayuda

NAGA CITY – Ilang mga senior citizens sa Naga City, nagtatanong na kung kabilang ba sa magiging benepisyo sakaling maipatupad na ang naamyendahang Centenarians Act o ang Republic Act 11982 House Bill 7535 at kung kelan nila matatanggap ang ayuda mula sa Pamahalaan.

Ipinaliwanag ni Jimmy Reblando, Head at Director ng Office of the Senior Citizens Affairs na sa ngayon ay pino-proseso na nila ang mga mabibigyan ng ayuda mula sa talaan nilang mahigit 24 na libong senior citizens.

Sinabi niyang ang bilang na ito ay posibleng nabawasan na dahil may mga binawian na ng buhay, kaya kailangan muna nilang linisin ang listahan bago ilabas kung sinu-sino ang mabibigyan.

Sa napirmahang bagong batas na ito, makakatanggap ng ayuda ang mga senior citizens na may edad mula sa 80 hanggang 95 taong gulang ng halagang 10 libong piso, maliban sa 100 libong piso para sa 100 taong gulang na lolo o lola.   

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *