Tamang pagbubudget ng pera, mahalagang malaman ng mga bata sa murang edad – NCPC Head

NAGA CITY- Sa panahon ngayon, wala nang pinipiling edad ang pagkakaroon ng kaalaman sa tamang pagbubudget ng pera dahil maging ang mga bata, sa murang edad ay may karapatan na rin silang malaman ang patungkol dito.

Ito ang isinalaysay sa Brigada News FM Naga ni Elmer Sto. Domingo, Chairperson ng Naga City People’s Council matapos ang dalawang araw na pagsasagawa ng workshop na “Budget Natin: Capacitating Sectors for Effective Local Planning and Budgeting Engagement.” Isa sa naging benepisaryo nito ang mga kabataan na miyembro ng Naga City Children’s Federation kung saan tinalakay ang mga paraan kung ano ang mga bagay na dapat munang unahin lalo na sa pagpapalabas ng pera.

Binigyang diin din ni Sto. Domingo na malaki ang epekto nito sa kabataan dahil ang mga budgeting skills na kanilang nalalaman ay maari nilang madala hanggang sa sila ay magkapamilya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *