Tambak na basura naiwan sa mga kalsada sa Metro Manila matapos ang New Year

Matapos ang nangyaring kasiyahan sa pagsalubong sa Bagong Taon, sangkaterbang basura naman ang naiwan sa mga kalsada sa Maynila kinaumagahan.

Karamihan sa mga nagkalat ay mga pinagkainan at mga ginamit na paputok.

Ayon sa ilang Local Government sa Maynila, dumami ang nakolekta nilang basura dahil sa Bagong Taon.

Samantala, binalot din ng makapal na usok ang buong Metro Manila kaya babala ng mga eksperto na magsuot ng face mask para hindi malanghap ang maduming hanggin mula sa usok ng iba’t ibang paputok.

photo from MMDA

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *