Tanggapan ng Bureau of Treasury sa Maynila – nasunog

Agad na naapula ang sunog sa tanggapan ng Bureau of Treasury sa Maynila ngayong hapon.

Ayon sa Bureau of Fire Protection, naganap ang sunog sa ikaanim na palapag ng Palacio del Gobernador sa Intramuros, Maynila kaninang pasado alas dose trenta’y otso.

Mabilisan naman din itong naapula sa loob ng limang minuto ng mga mismong empleyado nito kung kaya’t hindi na nagliyab ang mismong opisina.

Samantala, nilinaw naman ng Commission on Elections na walang mga poll materials ang nadamay sa sunog.

Kung maaalala, ang tanggapan ng COMELEC ay makikita rin sa Palacio del Gobernador.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *