Tangkang pangha-hack sa mga websites ng Gobyerno – umabot sa daang libo

Tiniyak ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na mayroon silang sapat na mga measures para maiwasan ang mga cyberattacks sa mga tanggapan ng Gobyerno.

Ito ang sinabi ni DICT Usec. Jeffreey Ian Dy matapos ang kumpirmasyon nitong tangkang pagha-hack sa websitse ang ilang mga e-mails ng ilang mga ahensya ng pamahalaan.

Pagsisiguro ni Dy – mas ‘resilient’ na ang cybersecurity ng bansa kaya mahihirapang pumasok ang mga hackers sa ating sistema.

Sa katunayan – mayroon umanong daan-daan libong mga tangkang pag-atake sa Gobyerno, pero napipigilan ang halos ng lahat sa mga ito.

Sa ngayon, tuluy-tuloy pa rin umano ang imbestigasyon sa mga naturang pag-atake, pero nagpaalala pa rin sila sa mga kawani ng Gobyerno na mag-ingat sa mga nakikita online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *