Target na 4% unemployment rate, kaya raw makamit ng Pilipinas – DOF

Kumpyansa si Finance Secretary Benjamin E. Diokno na maaabot ng bansa ang 4-5% na unemployment rate sa pagtatapos ng administrasyon ni Pangulong Bongbong Marcos sa 2028.

Ayon kay Diokno, kampante silang mapagpapatuloy ng Pilipinas ang pagpapababa sa bilang ng mga Pilipinong walang trabaho kasabay ng mga ipinatutupad na hakbang ng pamahalaan.

Mababatid na batay sa pinakahuling datos, 1.83million ang bilang ng mga taong walang trabaho, na higit na mas mababa sa 2.18 million noong November 2022 at 2.09 million noong October 2023.

Naniniwala ang kalihim na kayang-kaya ng Pilipinas na maabot ang target nito pagdating sa employment ng publiko.

Sa huli, sinabi ng opisyal na ipagpapatuloy ng gobyerno ang macroeconomic stability sa pamamagitan ng Medium-Term Fiscal Framework na siyang daan para sa pagkakaroon ng mas maraming trabaho at pagbaba ng proverty incidence sa bansa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *