Target na 70-million vaccinations ng gobyerno bago matapos ang taon, hindi kaya ng Pilipinas – Marcos

Hindi naniniwala si Senator Imee Marcos na kaya ng Pilipinas na marating ang target nito na 70-million vaccinations sa katapusan ng taon.

Ayon kay Marcos, maswerte na tayo kung aabot sa 2-3 million ang mababakunahan sa nasabing panahon.

Ipinunto rin ni Marcos na hindi dumarating ang mga bakuna sa bansa.

Ngunit nilinaw ng senadora na hindi naman ito lahat kasalanan ng gobyerno, dahil meron naman talagang shortage sa bakuna sa buong mundo.

Samantala, binatikos naman ni Marcos ang mga bagong pangalan na ibinibigay ng gobyerno sa quarantine restrictions, partikular na ang “NCR plus bubble” na tumutukoy sa Metro Manila, Rizal, Bulacan, Laguna at Cavite.

Binigyang diin ni Marcos na ang pinakamainam na paraan para matugunan ang pandemya ay ang pagpapaigting ng testing, contact tracing at vaccination at hindi anya ang pagpapatupad ng mas maraming restriksyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *