Target na bilang ng mga turista ng DOT, nalagpasan na ng Pilipinas

Nalampasan na ng Pilipinas ang target na bilang ng turista bago matapos ang 2023.

Sa pinakahuling datos ng Department of Tourism mahigit 5 milyon na ang mga turistang bumisita sa bansa.

Mas mataas ito sa target na 4.8 milyon, katumbas ito ng P439.50 bilyon na kita sa turismo at higit 5 milyong trabaho.

Ayon sa DOT, nakatulong ang mga awards na nakuha ng Pilipinas tulad ng World’s leading beach destination 2023, World’s leading dive destination 2023 at Asia’s Best Cruise Destination 2023.

Ayon kay DOT Sec. Christina Frasco, umaabot na sa 2 milyon ang bumibisita sa Boracay ngunit sinabi ng LGU na patuloy nilang kinokontrol ang dami ng mga turista dahil 6,405 lang ang kapasidad ng buong isla.

Giit naman ng DOT na dahil nagiging epektibo at lumalago ang turismo sa Pilipinas, tuloy ang paggamit sa branding campaign na Love the Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *