Taripa sa kuryente ng CASURECO II, mas lalo pang bumaba

CAMARINES SUR- Mas lalo pang bumaba ang taripa ng kuryente ngayong buwan ng Marso sa Camarines Sur II Electric Cooperative (CASURECO II)

Batay sa pinakahuling update ng CASURECO 2, nasa P5 na lamang ang per kWh ng residential rate, P4 per kWh naman sa commercial rate at P3 per kWh para sa industrial. Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay Rinner Bucay, tagapagpahayag ng kooperatiba, sinabi nitong napakalaking kontribusyon ang pagkakaroon ng mababang presyo sa kuryente ng mga power suppliers lalo na ng Wholesale Electricity Spot Market (WESM) para mas mapababa pa ang singil sa mga member-consumer.

Samantala, binigyang-diin pa rin ni Bucay na kahit na nga mababa na ang singil sa per kWh sa mga consumer, magdedepende pa rin ang kanilang bayarin sa lakas at taas ng konsumo nila lalo na ngayong mas umiinit ang panahon.

Dagdag pa ni Bucay, maaaring makuhang muli ng CASURECO II ang  pagiging Top 1 sa buong Pilipinas na mayroong pinakamababang presyo ng kuryente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *