Task Force Bantay Karne sa Pili, Camarines Sur, tuloy ang operasyon ngayong Semana Santa

CAMARINES SUR- Magpapatuloy ang mahigpit na implementasyon ng Task Force Bantay Karne ngayong Semana Santa na pangungunahan ng Municipal Agriculture Office (MAO) katuwang ang Pili Slaughter House.

Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Naga ni Arvin Salvino, ang Acting Municipal Agriculture Officer ng Pili kung saan binigyang diin pa nito na kahit na nga inaasahan nila ang pagbaba ng bilang ng mga magpapakatay ng baboy ngayong linggo, mahigpit pa rin nilang imomonitor ang lahat ng mga magpapalabas ng baboy.

Ito ay matapos na mapag-alaman ng Pili Slaugther House na may mangilan ngilang residente ang gumagawa pa rin ng iligal na pagkatay sa kanilang bakuran nang walang permiso galing sa kanilang opisina.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *