Task Force El Niño, tinututukan ang mga pananim kasabay ng tagtuyot

Binigyang-diin ni Task Force El Niño Spokesperson Asec. Joey Villarama na nagpapatuloy ang kanilang pagtugon sa epekto ng matinding init ng panahon.

Sa panayam ng 105.1 Brigada News FM Manila kay Villarama, sinabi nitong tinututukan nila ngayon sa mga pananim na siyang makakaaapekto sa pagkain ng mga tao.

Pagdating naman sa cloud seeding para matulungan ang mga magsasaka sa kanilang patubig, sinabi ng task force na nagsagawa na sila nito sa tulong ng Philippine Air Force.

Makatutulong umano ito sa kakulangan ng tubig, pero sa ngayon, hindi raw cloud seeding operation ang primary intervention na ginagawa nila.

Sa huli, sinabi ng tagapasalita na habang tumatagal ang kasagsagan ng El Niño, posibleng pumalo sa 80 probinsya ang apektado ng naturang phenomenon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *