Task force na mag-iimbestiga sa panununog ng isang modern jeep sa Catanauan, Quezon, binuo

Bubuo ng task force ang Quezon Police Provincial Office na tututok sa pag-iimbestiga sa panununog ng isang modern jeep sa Catanauan Quezon kamakailan.

Iginiit ni PNP Public Information Office Chief Col. Jean Fajardo, na ang naging basehan ng pagsampa ng reklamong arson laban sa apat na indibidwal ay base aniya sa testismonya ng mga pasahero at driver mismo ng jeep.

Bahagi aniya ng naging basehan at objective ng pagbuo sa task force ay upang mapahupa rin ang pangamba ng apat na suspek ukol dito.

Hindi pa rin aniya tapos ang imbestigasyon dito at bibigyan ng pagkakataon ang mga sinampahan ng reklamo na sumagot at magsumite ng mga ebidensya.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *