Task Force on Lifestyle Check, binuo ng Presidential Anti-Corruption Commission

Bumuo ang Presidential Anti-Corruption Commission ng Task Force on Lifestyle Check laban sa mga high-value target na mga opisyal ng gobyerno.

Ayon kay PACC Chairman Greco Belgica, layunin nito na mas mapabilis at mapalakas pa ang kampanya ng pamahalaan laban sa korapsyon.

Nakatutok aniya ang task force sa mga matataas na opisyal ng pamahalaan na may mga kwestyon ang uri ng pamumuhay o hindi tumutugma ang sweldo sa kanilang pagiging marangya sa buhay.

Kabilang naman sa bumubuo ng nasabing task force ang iba’t-ibang ahensya at tanggapan ng gobyerno.

Sinabi pa ni Belgica na sa ngayon ay marami na silang naipon na kaso na may kaugnayan sa katiwalian kung saan balak na nila itong ihain sa Ombudsman kada linggo.

Hinihintay na lamang aniya na magbukas muli ang tanggapan ng Ombudsman upang maihain na ang mga reklamo. | Clay Marquez

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *