Task force SK3 patuloy na naghahanda para sa semana santa

                                                                                                                                             Patuloy ang Task Force SK3 sa kanilang mga paghahanda bilang antisipasyon ngayong Semana Santa.

Ayon kay SK3 Head Arnel Anchinges nagpulong na umano sila ng pamunuan ng Sorsogon City PNP para sa planong pagtatalaga ng mga tauhan sa Crossing Pangpang para umalalay sa mga motorista lalong lalo na sa mga dadaan sa lungsod upang matulungan ang mga ito sakaling magkaroon ng mga aberya sa kanilang biyahe.

Pagtitiyak ni Anchinges 24/7 na nagbabantay ang kanilang mga tauhan at nagrerelyebo umano ang mga ito kung saan araw-araw ay mayroon silang 30 na mga personahe na nakalatag para magbantay at magmando ng trapiko sa umaga na pinapalitan naman ng 10 sa oras na alas 5:00 ng hapon hanggang alas 11:00 ng gabi at siyam naman hanggang alas 6:00 ng umaga.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *