Tatlo ang patay, samantalang isa naman sugatan sa nangyaring pamamaril dakong alas 4:50 ng hapon kahapon , June 20 sa Brgy. Molimok, Balabagan Lanao Del Sur.
Kinilala ang mga nasawing biktima na sina Mando Interino, 40 anyos may asawa , residente ng Brgy. Poblacion Balabagan Lanao Del Sur, Hanafi Barager , CAFGU Member, at Venhar Macapodi, 27 anyos Cafgu Member at pawang mga residente ng Tubok, Malabang Lanao del sur.
Samantalang sugatan naman si Mastor Gani, nasa hustong gulang at residente naman ng Bgy. Barurao Balabagan Lanao Del Sur.
Lumalabas sa imbestigasyon ay galing umano ang mga nasabing biktima sa Balabagan at patungo sana ang mga ito sa bayan ng Malabang Lanao del Sur sakay ng kanilang mga motorsiklo ng pagsapit sa nasabing lugar ay bigla nalang pagbabarilin ng mga di pa nakilalang mga suspek
Agad namang tumakas ang mga suspek patungong Brgy. Pindulunan sakay ng isang multicab
Narekober naman sa pinangyarihan ng krimen ang ilang basyo ng bala mula sa 7.62mm , 5.56mm Cal. 45 pistol.
Patuloy naman ang ginagawang imbestigasyon ng mga kapulisan hinggil sa insidente