Tatlo mula sa walong PDLs na tumakbo sa barangay at SK elections, nanalo

Nanalo ang tatlo mula sa walong mga persons deprived of liberty o PDLs na mga tumakbo sa katatapos lamang na barangay elections.

Sa pulong balitaan ng Department of Interior and Local Government (DILG), sinabi ni Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) Chief Jail Dir. Ruel Rivera na ang mga nanalo ay pawang mga tumakbo pagka-kagawad.

Isa rito sa DasmariƱas City sa Cavite; isa sa Tanay, Rizal; at isa sa Iponan, Cagayan de Oro.

Sabi ni Interior Sec. Benhur Abalos, patunay lamang daw ito na nire-respeto ng Gobyerno ng Pilipinas ang bawat karapatang bumoto, at mai-boto.

Samantala, nakapagtala naman ng makasaysayang 90% na turnout ang mga PDLs na bumoto kahapon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *