Tatlo sa siyam na major projects ng Primewater para sa 2022- 2023 may kaugnayan pa rin sa source development

CAMARINES NORTE- Inihayag ng pamunuan ng Primewater na tatlo sa siyam na major projects para sa 2022- 2023 ay may kaugnayan sa source development.

Kabilang dito ang Well Water Source Development sa Barangay Alawihao, Daet, Surface Water Treatment Facility sa Labo na tinatawag ding Matogdon Filtration Facility na tulad ng Dagotdotan Filtration Facility sa San Lorenzo Ruiz at ang Additional 3MLD Water Treatment Facility sa Dagotdotan.

Sa pagkakaroon ng Additional 3MLD Water Treatment Facility ay nangangahulugan umano itong madadagdagan ang capacity ng tubig na naibibigay ng Dagotdotan Filtration Facility (DFF).

Paliwanag ni Branch Manager Mark Anthony Muroda importante umano ang mga ganitong proyekto dahil kung walang source ng tubig ay wala ring dadaloy sa mga linya at ang kanila umanong tinitingnan din ay ang mga darating pang taon.

Ayaw na rin umano nilang maulit ang nangyari noong 2019 kung saan nagkaroon ng matinding problema sa suplay ng tubig.

Sa ngayon ay kino- comply na lang umano ng kumpanya ang iba’t- ibang permit requirements at kung ma-approve ito ay masisimulan ang construction ngayong buwan o sa Hulyo.

Batay umano sa napagkasunduan nila ng Camarines Norte Water District management at ng Board of Directors, dapat matapos ang ilan s amga ito ngayong taon habang ang mga sopurce development naman aniya ay maki- carry over sa una hanggang sa ikalawang quarter ng 2023.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *