Tatlong araw na ‘Bakunahang Bayan’, pormal nang inilunsad

Lumarga na ngayong araw ang paglulusnad ng ‘Bakunahang Bayan: Biyayang Proteksyon sa Paskong Pilipino’ ng Department of Health (DOH).

Tatagal ang programa hanggang sa December 7 na may layuning mapataas pa ang vaccination rate para sa mga edad lima hanggang 17.

Pinangunahan ni DOH officer-in-charge Maria Rosario Vergeire ang seremonyas para rito sa Davao City.

Sa kanyang talumpati, binigyang-diin ni Vergeire na mahalagang mabakunahan ang mga kabataan para mabigyan ng proteksyon ngayong face-to-face classes.

Sabi pa ni Vergeire, ngayong papalapit na nang papalapit ang Holiday season – mahalagang maproteksyunan ang mga Piliino nang sa gayon ay magiging ‘merry’ ang Christmas.

Sa pinakahuling datos ng Kagawaran, 48.9% pa lamang ng 5-11-year-old age group.

Katumbas ito ng higit 5.5 million na nabakunahan – wala pa sa kalahati ng target na 10.8 million.

Sa kabila nito, nalagpasan naman ang target na bakunahan sa mga edad 12-17.

Sa datos, aabot na sa higit 10 million adolescents ang nakakumpleto na ng kanilang primary doses.
#

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *