Tatlong bagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes walang travel history

CAMARINES NORTE – Wala umanong travel history at “unknown” din ang history of exposure ng tatlong pinakabagong kaso ng COVID- 19 sa bayan ng Mercedes na iniulat ng Department of Health (DOH) noong Martes.

Batay ito sa opisyal na pahayag ng Lokal na Pamahalaan na inilabas naman nitong Miyerkules.

Ang mga bagong tinamaan ng COVID- 19  sa naturang bayan ay isang 18 anyos na babae mula sa Barangay San Roque na mayroong Mitral Valve Prolapse o isang heart condition na kadalasan sa mga babae.

Siya si Bicol No 12290 na nakaranas ng hirap sa paghinga noong May 23 at noong araw ding iyon ay isinailalim sa Rapid Antigen test sa Camarines Norte Provincial Hospital na may negative result.

May 27 nang kuhaan ng specimen sample para sa RT- PCR test ang pasyente at noong May 31 ay lumabas na positibo ito sa COVID- 19.

Si Bicol No 12305 naman ay isang 31 anyos na lalake mula pa rin sa nabanggit na barangay.

Unang nakaranas ng sintomas noong May 21 at nagpositibo sa Rapid Antigen Test noong May 25.

May 31, lumabas ang resulta ng RT- PCRT test at positibo nga ito sa sakit.

Si Bicol No 12306 naman ay isang 35 anyos na lalake mula sa Barangay 2. Nakaranas ng sintomas noong May 22.  May 25 nang magpositibo sa rapid Antigen Test kaya isinailalim sa RT- PCR test.

Lumabas ang resulta na positibo ito sa sakit noong May 31.

Sina Bicol No 12290, 12305 at 12306 ay ang ika- 30, 31 at 32 dalawang kaso ng COVID- 19 sa naturang bayan ayon sa pagkakasunod- sunod.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *