Tatlong barangay sa Donsol, Sorsogon pasado sa Area Clearing Evaluation

SORSOGON CITY – Idineklarang mapayapa na sa impluwensya ng communist terrorist group (CTG) ang tatlong barangay sa bayan ng Donsol, ito ay matapos ang isinagawang Area Clearing Evaluation (ACE) ng Area Clearing Evaluation Team (ACET)  na pinamumunuan ng Deputy Brigade Commander ng Phil. Army na si Col Leonardo Dacumos.

Kinabibilangan ito ng Brgys. De Vera, Mabini at Banban.

Paliwanag ng ACET, idideklarang malaya na ang isang barangay mula sa impluwensya ng CTG kapag nabuwag na sa nasabing lugar ang istrakturang politiko-militar ng CPP-NPA-NDF, ang pagtanggi ng mga residente na makapasok sa kanilang barangay ang komunistang grupo at ang hindi pagbibigay ng anumang suporta sa mga ito, dapat din na gumagana ang Barangay Information Network (BIN) at Integrated Area Community Public Safety System (IACPSS).

Dagdag impormasyon naman mula sa 31st Infantry Battalion na bago ideklarang ‘NPA cleared’ ang isang barangay ay dadaan muna sa ACE at Area Clearing Validation (ACV).

Ang ACET ay binubuo ng Phil. Army, PNP at mga lokal na pamahalaan ng bayan sa pamumuno ng alkalde at opisyal ng barangay na sumasailalim sa ebalwasyon.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *