Tatlong kilalang island destination sa Pilipinas, nakapasok sa CNT Top 10 Readers’ Choice Awards

Pasok sa isinagawang survey ng Condé Nast Traveler (CNT) Top 10 Readers’ Choice Awards ang tatlong kilalang isla ng Boracay, Palawan at Siargao sa Pilipinas.

Ayon sa CNT, mahigit 600,000 na indibiwal ang nakibahagi sa pagsagot ng online survey na kanilang inihanda.

Kung saan, nakuha ng Boracay ang ikatlong puwesto dahil sa kabuuang puntos nitong 90.74.

Samantala, nakatanggap naman ang Palawan ng 89.71 na puntos at 87.37 na puntos naman para sa Siargao.

Kaugnay nito, binigyang-diin ni Tourism Secretary Christina Frasco na inaasahan niyang magsisilbi itong inspirasyon sa patuloy na pagpapaunlad at pagsulong ng kagandahan ng Pilipinas bilang “Premier travel destination” sa Asya at buong mundo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *