Tatlong magkakahiwalay na buy bust operation, ikinaaresto ng apat na katao

Tatlo na magkakahiwalay na anti-illegal drug by bust operation ang naitala ng mga awtoridad sa buong lambak ng Cagayan noong ika-10 ng Enero.

Una na rito ang pagkakadakip ni alyas “Jojo” at at alyas “Bernie” sa Solano, Nueva Vizcaya matapos maaktuhang gumagamit ng mga iligal na droga. Nakumpiska rin mula sa kanilang pangangalaga ang tinatayang nasa 2 grams na marijuana na mayroong SDP na P240.

Samantala, arestado rin si alyas “Zanjoe” sa Lungsod ng Ilagan matapos masamsaman ng nasa 0.30 grams na shabu kung saan may standard drug price itong P5,000.

Isang street level individual naman mula sa Santiago kung saan pinangalanang alyas “Ben” ang nahuli ng mga pulis matapos magbenta ng dalawang sachet ng shabu na tinatayang may timbang na 0.44 grams at may SDP na P3000. Nakuha rin mula sa kaniya ang isa pang iligal na droga na may timbang na 0.50 grams at may SDP na P3,400.

Ang mga na-aresto ay nasa pangangalaga na ngayon ng mga awtoridad para sa tamang disposisyon at dokumentasyon kung saan nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa RA 9165, or the Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *