Tatlong magkapatid na suspek sa panggagahasa sa kanilang pamangkin naaresto ng mga kapulisan sa bayan ng Labo

CAMARINES NORTE- Napasakamay ng mga otoridad ang magkakapatid na may  kaso ng panggagahasa sa sarili nilang pamangkin at nakatala bilang Rank 6, 7 at 8 sa Municipal Most Wanted Person sa bayan ng Labo

Sa ikinasang operasyon ng pulisya ay isa-isang naaresto kahapon ang mga suspek na sina alyas “Jojo”, 34 anyos na construction worker, alyas “Oman”, 35 Anyos, isang magsasaka, alyas “Kiko”, 30 anyos, binata, magsasaka ng niyog, pawang mga resdiente ng Labo, Camarines Norte.

Inaresto ang mga suspek sa bisa ng warrant of arrest para sa kasong rape na ipinalabas ni Hon. Leo Lumabad Intia Presiding Judge ng Branch 64 Labo, Camarines Norte at walang rekomendadong  piyansa.

Nobyembre taong 2021 nang pagsamantalahan ni alyas “Kiko” ang kanyang 14 anyos na pamangkin na naganap dakong alas 8:00 ng gabi, araw ng mismong kaarawan ng biktima at dakong alas 9:00 naman ng gabi nang siya ay pagsamantalahan ng kanyang tiyuhin na si alyas “Jojo”.

Samantala, nangyari naman ang panghahalay na ginawa ni alyas “Oman” sa parehong biktima buwan ng Enero taong 2022 sa ganap na ika 11:00 ng gabi.

Ang biktima ay iniwan ng kanyang ina sa kustodiya ng kanyang lola at mga tiyuin na kung saan naganap ang mga kahalayan sa tuwing wala ang kanyang lola.

Sa kasalukuyan ay nasa pangangalaga na ng Labo MPS ang mga akusado habang inihahanda na ang mga dokumentong kinakailangan bago ibalik sa korteng pinagmulan ang mga nasabing warrant of arrest.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *