Tatlong NPA na nasawi sa engkwentro sa Masbate, kinilala na

SORSOGON CITY – Kinilala na ng Joint Task Force (JTF) Bicolandia ang tatlong kasapi ng NPA na napatay sa engkwentro sa lungsod ng Masbate.

Mismong mga former rebels (FRs) ang nagberepika na ang tatlong nasawi ay dati nilang kasamahan sa hukbo. Kinilala ang mga ito na sina Antonio Poligrates alias Roman, Secretary ng Sangay sa Partido sa Lokalidad (SPL) at siya ring lokal na finance officer ng NPA habang ang dalawa ay mga bagong kaanib na sina Ailyn Bulalacao at Ramon Brioso alias ‘Tay.’

Ang tatlo ay napatay sa naganap na engkwentro, umaga noong Hunyo 8 sa Brgy Anas ng nasabing lungsod. Nagresulta din ito sa pagkasamsam ng 16 na matataas na kalibre ng baril ng mga rebelde.

Ang engkwentro ay resulta ng ikinasang malawakan at walang humpay na pagtugis ng pinagsanib na puwersa ng Army at PNP sa mga rebeldeng grupo na responsable sa pagpapasabog ng bomba noong Linggo, Hunyo 7 sa lungsod ng Masbate na ikinasawi ng kilalang FEU football player na si Kieth Absalon at pinsan nito.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *