Tatlong pulis, sibak sa pwesto matapos masangkot sa panloloob sa bahay sa Cavite

Sibak sa pwesto ang tatlong pulis na sangkot sa panloloob sa dalawang bahay sa Kawit, Cavite nitong Pebrero.

Kinilala ni Police Regional Office CALABARZON director PBGen. Paul Kenneth Lucas ang mga suspek na sina Police Senior Master Sergeant Jhon Paolo Maigue Mellona, Police Senior Master Sergeant Reynaldo Andrada Quilit Jr. at Police Corporal Lynard Pastrana Pareja.

Sina Mellona at Quilit ay naka assign sa Cavite Police Provincial Office habang si Pareja ay nakatalaga sa Laguna PPO.

Kinasuhan na ng mga biktima na robbery in band ang mga suspek sa Cavite Prosecutors Office at ngayo’y nasa ilalim ng restrictive custody ng Regional Headquarters.

Bukod sa tatlo nahaharap na rin sa kaso ang 2 sibiliyang kasabwat ng mga ito at 4 pang John Does.

Base sa imbestigasyon, puwersahang pinasok ng mga suspek ang dalawang residential houses nitong February 13 at tinutukan ng baril ang mga biktima, tinangay ang mga mahahalagang gamit, kabilang ang mga cellphones, identification documents, baril at pera.

Gamit ang video footages ng CCTV camera sa lugar, natukoy ang get-away car na ginamit ng mga suspek na isang puting Toyota Hi-Ace Van na nagbunsod din sa kanila para matukoy pagkakakilanlan ng mga suspek.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *