Tatlong sako ng basura nahakot ng PNP Maritime sa isinagawang coastal clean- up sa isang barangay ng Mercedes

CAMARINES NORTE- Umabot sa tatlong sako ng basura ang nahakot ng PNP Maritime Group sa isinagawang coastal clean- up kahapon sa baybayin ng Brgy. VI, Mercedes, Camarines Norte.

Ayon sa PNP 503rd PNP Maritime Command, libo- libong tonelada ng basura kada taon ang napupunta sa dagat at 60 porsiento nito ay plastic material

Kaugnay nito ay hinimok ng naturang unit ng PNP ang publiko na tumulong sa pagprotekta at pangangalaga sa marine community sa pamamagitan ng paglilinis sa mga baybayin upang mabawasan man lang ang mga basurang napupunta sa dagat.

Ang mga basura lalo na ang plastic ay mapanganib para sa marine life na pumapatay sa mga pawikan, at mga marine mammals gayundin sa mga isda.

Batay sa isang pag- aaral na inilathala noong Pebrero sa journal science nasa pagitan ng 4.8 milyon at 12.7 milyong metriko toneladang plastik ay pumasok sa karagatan noong 2010.

Para nga sa ilang environmental group “garbage crisis” na ang nagaganap sa bansa dahil sa mga nahahakot na basura.

May mga Lokal na Pamahalaan na namang nagpapatupad  na ng ordinansa na nagre- regulate sa pagamit ng plastic at isa sa mga naunang nagpatupad nito sa lalawigan ay ang bayan ng Labo.

(Photo courtesy: PNP Maritime)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *