Tauhan ng coast guard, sapat ayon sa PCG Sorsogon

Sapat ang bilang ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard o PCG, ito ang kinumpirma ni Coast Guard Sorsogon Commander Christian Jazmin sa panayam ng Brigada News.

Ayon dito, sa katunayan ay patuloy na nadadagdagan ang bilang ng mga tauhan ng PCG kung saan sa kasalukuyan ay mayroong mahigit 4000 mga personnelΒ  na patuloy na sinasanay at sa oras na matapos ay itatalaga sa mga Coast Guard Station sa buong bansa kasama na ang Coast Guard Sorsogon.

Samantala, inihayag ni Jazmin na ang kanilang mga tauhan sa PCG Sorsogon ay nakatutok ngayon sa mga pantalan sa lalawigan partikular na sa Matnog Port lalo pa at inaasahan na ang muling pagdagsa ng mga biyahero na pabalik na sa kani-kanilang mga lugar matapos ang mahabang bakasyon dahil sa Barangay at Sangguniang Kabataan Elections at Undas.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *