Tauhan ng Taguig, pinuwersang pasukin ang Makati Park and Garden – Makati

Tinangka umano ng mga tauhan ng Taguig Traffic Management Office na puwersahang pasukin ang Makati Park and Garden – ayon sa Makati LGU

Pinigilan ang mga ito ng security guards at mga tauhan ng Makati Public Park and Safety.

Sinabi ng Makati LGU na gusto ng Taguig na kamkamin ang lupang pagmamay-ari ng Makati at ‘magpasasa’ sa ipinundar ng pamahalaang lungsod ng Makati gamit ang buwis ng Makatizens.

Pakiusap ng Makati sa Taguig, unahin ang sistema sa pagtulong sa mga may sakit at senior citizens ng sampung Embo barangay na nasa kanilang hurisdiksyon.

Samantala, kagabi lamang ay hinarangan ng tow-truck ng Taguig LGU ang naturang parke na sakop ng Barangay West Rembo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *