Taxi driver, patay matapos tambangan ng riding-in-tandem sa Malabon

Patay ang isang taxi driver matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem sa Barangay Potrero, Malabon City.

Sa inisyal na imbestigasyon ng Malabon Police, posibleng hindi umano holdap ang insidente lalo’t walang tinangay na gamit mula sa driver.

Nagtamo ng dalawang tama ng baril ang taxi driver; habang nagmamaneho na siyang dahilan ng kanyang kamatayan.

Batay sa CCTV footage na hawak ng pulisya, sinundan ng taxi driver ang magka-angkas at biglaang bumaba ang angkas nito at doon na pinagbabaril ang driver.

Sa ngayon, patuloy pa ang imbestigasyon ng Malabon Police sa nangyaring insidente.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *