Taylor Swift, naging makasaysayan ang tagumpay sa Grammy Awards

Naging makasaysayan ang panalo ni Taylor Swift sa 66th Annual Grammy Awards matapos niyang makuha ang ika-apat niyang Album of the Year para sa album nitong “Midnights.”

Nalampasan ni Taylor ang record nila Frank Sinatra, Paul Simon at Stevie Wonder, na pare-parehong may tatlong Album of the Year awards.

Ikinagulat naman ng lahat nang lumabas si Celine Dion dahil iito ang kanyang unang public appearance nang ibunyag niyang may Stiff Person Syndromee (SPS).

Si Celine ang nag present ng Album of the Year Category kay Taylor.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *