TB case detection rate ng So.Cot, mataas

KORONADAL CITY- NAKAPAGTALA ang lalawigan ng South Cotabato ng 92% case detection rate sa tuberculosis o TB na mas mataas kumpara sa 90% national target.
Ayon kay infectious disease program coordinator John Codilla ng Integrated Provincial Health Office (IPHO) na ito ay dahil sa ipinatutupad nilang Free Mobile XRay services para sa TB screening at dahil sa kooperasyon ng mga mamamayan sa iba’t ibang barangay.


Noong nakaraang taon, 143 ng 199 barangays ang nakabenepisyo sa libreng XRay at ngayong 1st semester ng 2023, 95 barangays na ang napuntahan ng grupo.
Sa 7,244 na isinailalim sa screening ngayong 2023, nasa 928 ang nadiagnosed na may TB.
Inihayag ni Codilla na mas mabilis na ang TB case detection sa lalawigan dahil sa dalawang portable Artificial Intelligence (AI) XRay with CAD technology na pinagkaloob ng USAID.
Maliban sa mataas na detection rate, mataas din ang TB success rate ng South Cotabato na nasa 94% at TB cure rate na nasa 93%.
Ang mga TB positive ay ay isinasailalim sa libreng tutok gamutan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *