TD Lannie, lalabas na ng PAR bukas; Bagong LPA, paparating

Papalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) bukas ang Tropical Depression Lannie, habang may bagong low pressure area (LPA) na posibleng pumasok sa bansa bukas din o Huwebes.


Ayon sa Pagasa, ang bagong LPA ay maaring mabuo bilang bagyo sa Biyernes o sa Sabado, na namataan sa 1,645 km silangan ng Mindanao.


Pero bago nito, sinabi ng weather bureau na si Lannie ay huling namataan sa 380 kilometers (km) west ng Coron, Palawan, at mabili na kumikilos pa-west-northwest sa 30 kilometers per hour (kph) dala ang lakas na hangin na 45 kph at pagbusong umaabot sa 55 kph.


Sinabi naman ng Pagasa na bagamat nasa gitna na ng West Philippine Sea ang sentro ng bagyo, makakapal pa rin umano ang mga kaulapan sa malaking bahagi ng Luzon at sa western sections ng Visayas at Mindanao. //MHEL PACIA-TRINIDAD

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *